P5-M halaga ng ilegal na droga nakumpiska ng PDEA sa Maynila

NAARESTO ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang dalawang Chinese national at dalawang babae sa isinagawang drug buy-bust operation sa isang hotel sa lungsod ng Maynila.

Nasamsam ng PDEA ang nasa isang kilo ng hinihinalang shabu na tinatayang aabot sa P5-million halaga mula sa mga suspek.

Sa ngayon ay inihahanda na ng PDEA ang pagsasampa ng kaso laban sa mga naarestong suspek.

(Ulat mula sa DZAR 1026 Sonshine Radio)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *