Miss Universe 2017 at ilan pang kandidata, nasa Pilipinas

NASA Pilipinas na ang ilang mga kandidata ng Miss Universe 2017.

Kabilang sa mga unang dumating sa Ninoy Aquino International Airport si Miss
Singapore Manuela Bruntraeger at Miss Canada Lauren Howe.

Sumunod na dumating ang ilan pang mga beauty queens gaya ng Miss China, Malaysia,
Russia, Kenya at Spain.

Hatinggabi naman ng dumating sa bansa sina Miss Universe 2017 Demi Leigh Nel-Peters
ng South Africa at Miss Universe 2016 Iris Mittenaere.

Ngayong araw naman inaasahan ang pagdating ni Miss USA.

Nasa bansa ngayon ang mga kandidata ng Miss Universe 2017 para sa apat na araw na
kanilang Philippine Tour.

Lilibutin ng mga ito ang iba’t ibang tourist spots sa bansa kabilang na ang Rizal Park sa
Maynila.

Nakatakda namang mag-courtesy call kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Malakanyang
ang mga beauty queens.

Dadalo rin ang mga ito sa isang charity ball sa Solaire Resort sa Pasay City at bibisita sa
christmas party ng Department of Tourism.

Maliban sa mga kandidata nasa bansa na rin si Shawn Mcclain, Vice President for
Business Development and Marketing
ng Miss Universe Organization.

(Ulat mula sa DZAR 1026 Sonshine Radio)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *