APRUB KAY BISE : Pagdeklarang ‘terorista’ sa CPP-NPA, suportado ni VP Robredo

SUPORTADO ni Vice President Leni Robredo si Pangulong Rodrigo Duterte sa
pagdedeklara sa Communist Party of the Philippines- New People’s Army (CPP-NPA)
bilang mga teroristang grupo.

Para kay Robredo, ang depinisyon ng terorista ay ang paghahasik ng lagim nang walang
dahilan, pumapatay ng mga sibilyan at nangingikil.

Ito ang pahayag ng bise presidente matapos ang proklamasyon ni Pangulong Duterte na
‘terorista’ ang CPP-NPA kasunod ng pagputol nito sa usaping pangkapayapaan.

Sinabi ni Robredo na nararapat lamang na ideklarang terorista ang NPA dahil sa mga
terroristic activities nito.

Isinantabi ni Robredo ang pulitika sa isyu ng pagsugpo sa armadong grupo para sa
kapakanan ng mga Pilipino.

Taong 2002 nang ikategorya ng US Department of State ang CPP-NPA bilang foreign
terrorist organizations
.

 (Ulat mula sa DZAR 1026 Sonshine Radio)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *