BYE-BYE NA ? : Pagbuwag sa PCGG, lusot na sa House Justice Committee

APRUBADO na ng House Justice Committee ang Consolidated Bill na nagpapalawig sa
Office of the Solicitor General (OSG).

Sa Consolidated Bill, bubuwagin na ang Office Of The Government Corporate Counsel at Presidential Commission on Good Government (PCGG) at ililipat ang kanilang mandato sa OSG.

Pinuri ni Oriental Mindoro Representative Reynaldo Umali, chairman ng komite ang OSG dahil sa tagumpay ng lahat ng kasong kanilang hinawakan.

Pinasalamatan naman ni Solicitor General Jose Calida na siyang namumuno sa OSG ang house panel sa pag-apruba ng panukala na nagpapalakas sa mandato ng kanilang
tanggapan.

Layunin ng Consolidated Bill na mapagbuti ang pagsisikap ng gobyerno para marekober ang mga tagong yaman at ari-arian at matiyak ang patas na imbestigasyon at prosekusyon ng mga kaso.

(Ulat mula sa DZAR 1026 Sonshine Radio)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *