MASS ARREST : NDF consultants, ipahuhuli sa AFP ni Pang. Duterte

NAKATAKDANG ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Armed Forces of the
Philippines (AFP) ang “mass arrest” sa mga miyembro ng Communist Party of the
Philippines-New People’s Army (CPP-NPA).

Ito ang inihayag ni Pangulong Duterte sa harap ng mga bagong promote na opisyal ng
pamahalaan.

Sinabi ng pangulo na anumang araw ay maglalabas siya ng kautusan para isagawa ang “mass arrest” sa mga miyembro ng CPP-NPA.

Ayon kay Duterte, ngayong wala ng peace talks ay kailangan nang arestuhin at ibalik sa kulungan ang mga lider ng grupo na pansamantalang pinalaya noon para sa usaping pangkapayapaan.

Nitong nagdaang araw ay opisyal ng idineklara ni Pangulong Duterte ang CPP-NPA bilang isang teroristang organisasyon.

(Ulat mula sa DZAR 1026 Sonshine Radio)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *