MISS ‘U SA PINAS: Miss Universe 2017 candidates, magko-courtesy call kay Pang. Duterte

BIBISITA ngayong araw ang Miss Universe queens at candidates sa Malacañang
ngayong araw upang mag-courtesy call kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Kabilang sa bibisita sa pangulo ay sina Miss Universe 2017 Demi-Leigh Nel-Peters at
Miss Universe 2016 Iris Mittenaere.

Kasama rin si Miss Universe Philippines Rachel Peters at mga kandidata mula sa Great
Britain, Netherlands, India, Singapore, Malaysia, South Korea, USA, Russia, China, Italy, Spain at Canada.

Dadalo rin bukas ang Miss Universe queens at candidates sa christmas party ng Department of Tourism (DOT).

Magtu-tour naman ang mga ito sa iba’t ibang lalawigan sa bansa sa Biyernes, Disyembre 8, 2017.

Habang dadalo rin ang beauty queens at candidates sa Women of Significance Gala
Night sa Disyembre 9, 2017.

 (Ulat mula sa DZAR 1026 Sonshine Radio)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *