NO SOPO: PNP, tuloy ang operasyon laban sa teroristang NPA

TINIYAK ng Philippine National Police na hindi sila magpapatupad ng Suspension of
Police Operations (SOPO)
laban sa mga teroristang New People’s Army (NPA) .

Ito ang inihayag ni PNP Spokesman Chief Supt. Dionardo Carlos dahil sa patuloy na pagatake ng mga NPA sa mga himpilan ng pulisya sa mga kanayunan.

Sa ngayon ay naka-Full Alert Status ang PNP dahil sa sunod-sunod na mga pag-atake ng
NPA sa ilang himpilan ng pulisya nitong nakaraang mga linggo.

Tiniyak ni Carlos na mananatili ang suporta ng PNP sa tropa ng AFP na patuloy ang
opensiba laban sa mga teroristang NPA.

(Ulat mula sa DZAR 1026 Sonshine Radio)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *