WELCOME CHIEF: AFP Chief Guerrero, lusot na sa Commission on Appointments

LUSOT na sa Commission on Appointments (CA) si Armed Forces of the Philippines
(AFP) Chief of Staff General Rey Leonardo Guerrero.

Si Guerrero ang itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte na kapalit ng nagretirong si
General Eduardo Año.

Nakatakdang magretiro si Guerrero sa Disyembre 17, 2017.

Wala pang balita kung palalawigin ng pangulo ang termino ni Guerrero.

Maliban kay Guerrero, 41 na iba pang senior officials ng AFP ang humarap din sa CA.

(Ulat mula sa DZAR 1026 Sonshine Radio)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *