ANOMALYA? : Dating Pang. Aquino, pinahaharap sa imbestigasyon ng Dengvaxia

National News

PINADADALO si Dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino sa legislative inquiry sa susunod na linggo kaugnay sa P3.4-billion Dengue Vaccination Program na kanyang inaprubahan nang siya pa ang pangulo ng bansa.

Ayon kay Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque, dapat ay humarap at sagutin ni Noynoy ang isyu sa pagbili ng Dengvaxia.

Dagdag pa ng kalihim, ang pagharap umano ng dating pangulo ay para rin sa ikabubuti niya.

Samantala, magkakaroon ng magkakahiwalay na imbestigasyon ang mababa at mataas na kapulungan kaugnay sa Dengvaxia ng kumpanyang Sanofi Pastue.

(Ulat mula sa DZAR 1026 Sonshine Radio)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *