ANONG PURPOSE? : Dating Pangulong Aquino, dapat ipaliwanag ang papel sa pagbili ng Dengvaxia

National News

NAIS ni Senador JV Ejercito na ipaliwanag ni Dating Pangulong Noynoy Aquino ang kanyang naging papel sa pagbili ng dengue vaccine ng gobyerno sa Sanofi Pasteur.

Ito’y bagama’t hindi pa nakakapagdesisyon ang Senado kung ipatatawag si Aquino sa imbestigasyon sa Dengvaxia.

Sinabi ni Ejercito na dapat magsalita ang dating pangulo sa dalawa umano niyang pulong sa mga opisyal ng Sanofi bago sumang-ayon ang pamahalaan na bumili ng supplies ng Dengvaxia vaccine na nagkakahalaga ng P3.5 billion noong 2015.

Nilinaw ng senador na hindi nila inaakusahan si Aquino ng kahit ano subalit ang dengue vaccine ang mainit na isyu ngayon.

Maaari aniyang nagkataon lamang ang dalawang pulong ng dating pangulo at Sanofi officials subalit mas makabubuti kung siya ang magpapaliwanag sa nangyari bago ang pagbili ng Dengvaxia.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *