Bakasyon ng AFP, kanselado dahil sa kampanya kontra-terorismo

National News

WALANG bakasyon ngayong holiday season ang mga sundalo at pulis.”

Ito ang kinumpirma ni Defense Secretary Delfin Lorenzana kasunod ng deklarasyon ni Pagulong Rodrigo Duterte na ang Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) ay isang teroristang organisasyon.

Ayon kay Lorenzana, tututukan ng militar at pulis ang opensiba laban sa mga teroritang NPA at iba pang mga local terrorist groups.

Bukod dito, magpapatuloy din ang opensiba ng militar laban sa mga teroristang Abu Sayyaf at Bangsamoro Islamic Freedon Fighters.

Target din ng militar na arestuhin ang mga NDF consultants at mga lider ng CPP-NPA.

 Samantala, sinabi naman ni PNP Spokesperson Chief Supt. Dionardo Carlos na naka-full alert status ngayon ang PNP kasunod ng mga ginagawang pag-atake ng mga teroristang CPP-NPA.

(Ulat mula sa DZAR 1026 Sonshine Radio)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *