EXTENDED : Pang. duterte, pinalawig pa ng isang taon ang Martial Law sa Mindanao

National News

PINALAWIG pa ng isang taon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang umiiral na Martial Law sa Mindanao.

Ito ang kinumpirma ni Executive Secretary Salvador Medialdea kasunod ng rekomendasyon ng Department of National Defense, Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police.

Aniya, may liham na nilagdaan si Pangulong Duterte para sa pamunuan ng Kamara at Senado upang ipaalam ang muling pagpapalawig ng isang taon sa Batas Militar sa Mindanao.

Ngayong araw, dadalhin sa kongreso ang naturang liham.

Matatandaan na Disyembre 31, 2017, ang nakatakda sanang mapapaso ang Martial Law sa Mindanao.

(Ulat mula sa DZAR 1026 Sonshine Radio)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *