PENDING  : Rekomendasyon ng WHO kaugnay sa Dengvaxia, hinihintay ng DOH bago desisyunan ang ilan pang natitirang Dengvaxia  

 

HINIHINTAY na lang ng Department of Health (DOH) ang report ng World Health Organization (WHO) kaugnay sa dengue vaccine bago desisyunan ang mga natitirang stocks ng Dengvaxia.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque, di pa tiyak ng DOH kung ibabalik ang natitirang stocks o ire-refund ang P3.5-billion ng kabuuang halaga ng dengue vaccine.

Inaasahan din ni Duque na magagamit nila ang report ng WHO sa gagawing nilang desisyon.

Una nang inihayag ni Duque na kinokonsidera nilang i-refund ang naturang halaga na ibinayad nila sa Sanofi Pasteur ang manufacturer ng nasabing bakuna.

Bukod sa higit 733,000 na mga mag-aaral na naturukan ng Dengvaxia, nakinabang din sa libreng bakuna ang ilang miyembro ng Quezon City Police District.

(Ulat mula sa DZAR 1026 Sonshine Radio)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *