THUMBS UP : Pagdeklara ni Pang. Duterte sa CPP-NPA bilang teroristang grupo, suportado ng AFP

National News

SUPORTADO ni Armed Forces of Philippines Chief of Staff General Rey Leonardo Guerrero, ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na ideklara ang Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) bilang teroristang organisasyon.

Sinabi ni Guerrero na walang masama sa pagtawag ng pangulo sa CPP-NPA bilang terorista.

Ito ay base na rin aniya sa mga aktibidad ng CPP-NPA gaya ng mga pag-atake sa tropa ng gobyerno at iba pang karahasan sa bansa.

Itinuturing din ni Guerrero na terorista ang CPP-NPA dahil sa kanilang mga aktibidad na paglabag sa batas at sa mismong ipinaglalaban nilang ideyolohiya.

Sa ilalim ng Proclamation 374 na nilagadaan ng pangulo ay opisyal na idineklara ang CPP-NPA bilang teroristang grupo.

 (Ulat mula sa DZAR 1026 Sonshine Radio)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *