Usaping pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at CPP-NPA, posibleng bumalik

National News

POSIBLE umanong magkaroon muli ng usapang pangkapayaan sa pagitan ng gobyerno at Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA).

Ginawa ni Pangulong Duterte ang pahayag ilang araw matapos niyang putulin ang peace talks sa mga teroristang grupo.

Iginiit ng pangulo na nagkalabuan lang ang panig ng gobyerno at CPP-NPA kaya “cool off muna”.

Ito ay dahil sa patuloy na paglusob ng mga teroristang grupo sa mga tropa ng pamahalaan kung saan ilang sundalo ang napapatay.

Nais din ni Duterte na itaas ang antas ng usapan kung saan hindi maaaring magkaroon ng mga pag-atake.

(Ulat mula sa DZAR 1026 Sonshine Radio)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *