ANOMALYA SA BAKUNA : Pag-apruba ng P3.5-billion Dengvaxia vaccine, minadali – Sen. Gordon

National News

MASASABING minadali ng nakaraang administrasyon ang pag-apruba ng Dengvaxia vaccine.

Ito ang iginiit ni Sen. Richard Gordon, chairman ng Senate Blue Ribbon Committee, matapos angisinagawang pagdinig ng komite hinggil sa naturang dengue vaccine.

Aniya, patunay rito ang pagpapalabas ng executive order ni Dating Pangulong Noynoy Aquino para mapondohan ang naturang programa ng DOH.

Una ring sinabi ni Dating Health Secretary Ubial na hindi kasama sa 2016 general apporiation act ang pagbili ng naturang gamot.

Ginamit aniya nila ang kanilang “Miscellaneous Personnel Fund” para mabili ang nagkakahalagang P3.5 billion Dengvaxia vaccine.

Kaugnay nito, pinag-aaral naman ni Gordon ang pagpapatawag sa susunod kay Dating Pangulong Aquino para magpaliwanag sa pag-apruba ng kontrabersyal na dengue vaccine.

Nakatakda naman ang susunod na pagdinig sa Dengvaxia vaccine sa Disyembre 14 araw
ng Huwebes.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *