UMENTO SA SAHOD : Panukalang pagdoble sa sahod ng mga pulis at militar, lusot sa ikatlong pagbasa sa kamara

National News

INAPRUBAHAN na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang panukalang nagtataas ng base pay ng militar, pulis at uniformed personnel (MUP).

Sa botong 167-4, inaprubahan ng Kamara ang House Joint Resolution No. 18 na magtataas sa base pay ng mga militar sa buong bansa.

Kabilang sa makakatanggap ng dobleng base pay ang mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) , Department of National Defense (DND), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Bureau Of Fire Protection (BFP), Philippine Public Safety College (PPSC), Philippine Coast Guard (PCG) at National Mapping And Resource Information Authority (NMRIA).

Sa ilalim ng resolusyon, ang isang PO1 sa PNP ay makakatanggap ng 100% increase kada buwan mula sa kasalukuyang P14,834 ay magiging P29,668 na ito epektibo sa Enero 1 ng susunod na taon.

Kukunin ang pondo nito sa national budget na inilaang pondo ng gobyerno para sa salary hike.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *