Mahigit 20 libong pasahero bumayahe ngayon araw sa iba’t ibang pantalan—PCG

National News

MATAPOS ang ilang araw na pananalasa ng Bagyong Urduja mahigit 20,000
na mga pasahero naman ang bumiyahe ngayong araw sa iba’t ibang
pantalan sa bansa.

Ayon kay Capt. Arman Balilo ang tagapagsalita ng Philippine Coast Guard
(PCG)
nanatili silang naka monitor sa mga pantalan kung saan dinagsa na
ng mga pasaherong magsisipag-uwian sa kanilang mga lalawigan upang
doon magdiwang ng Pasko at Bagong Taon.

Dagdag pa ni Capt. Balilo ang Oplan Biyaheng-Ayos Krismas 2017 ay
kanilang ipatutupad sa lahat ng sasakyang pandagat upang masigurong
ligtas ang kanilang paglalayag hanggang silay magbalikan sa kanilang mga
pinanggalingan.

Ang pinakamaraming pasaherong dumagsa sa mga pantalan ng Central
Visayas na may 5,545 sinundan ito ng Southern Tagalog na may 4,408,
Western Visayas 3,757, South Eastern Mindanao 500, Bicol 1,178, Northern
Mindanao 1,384,Eastern Visayas 2,277 at sa Southern Visatas ay may 1,918
pasahero ang bumagsa sa pantalan.

Panawagan ng PCG sa mga pasahero na kung may reklamo o gustong
isumbong i-report sa punong tanggapan ng PCG tumawag o mag-text sa
numero bilang: 09171243682 o sa DOTR 02-917.

(Ulat ni Mike Almonte)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *