Mas pinahigpit na seguridad sa QC, inilatag ng QCPD

Metro News

INILATAG na ng Quezon City Police District (QCPD) ang mahigpit na
seguridad sa Lungsod ng Quezon lalo na mga mataong lugar para sa
paghahanda ng kapaskuhan at Bagong Taon.

Sa eksklusibong panayam ng DZAR Sonshine Radio kay QCPD Director Chief
Supt
. Guillermo Lorenzo Eleazar, mas dinoble nila ang nilatag na higpit na
seguridad sa buong Quezon City laban sa mga masasamang elemento ng
lungsod at mapangalagaan ang kapakanan ng bawat indibwal.

kabilang sa mga imo-monitor ng mga miyembro ng QCPD ang mataong lugar
tulad ng mall, MRT at LRT stations, bus terminals , subdivision, at villages ng
lungsod.

Ayon kay Eleazar, kailangan din nila ang tulong ng publiko para sa
kapayapaan ng lungsod, pagbibigay impormasyon sa mga kahina-hinalang
tao at mga gumagawa ng ilegal sa lungsod.

(Ulat ni Jun Samson)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *