MRT-3 ngayong holiday season, pinaiksi ang operasyon

National News

MAGPAPATUPAD ng mas maikling operating hours ang Metro Rail Transit (MRT-3) ngayong holiday season.

Sa Disyembre 24 ay bibiyahe ang mga tren ng MRT simula 4”445 ng madaling araw hanggang alas 8:26 ng gabi.

Sa Disyembre 25, ang operating hours ng MRT ay mula 6:30 ng umaga hanggang 9:50 ng gabi.

Habang sa Disyembre 30 ay mula 4:45 ng madaling araw hanggang 9:50 ng gabi.

Samantalang pagdating ng Disyembre 31, ang operating hour ay mula 4:45 ng umaga hanggang 8:26 ng gabi.

Pagsapit ng Enero 1 ng susunod na taon, ay bibiyahe naman ang mga tren mula 6:30 ng umaga hanggang alas 9:50 ng gabi.

Inaasahang babalik ang norma na operasyon ng MRT-3 sa Enero 2.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *