PNP, nilalatag na ang guidelines sa pagpapatupad ng tigil-putukan laban sa NPA

National News

BINABALANGAKAS na ng Philippine National Police (PNP) ang guidelines sa
pagpapatupad ng unilateral ceasefire laban sa Communist Party Of The Philippine-New
People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

Ito ay matapos ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang agarang pagpapatupad ng
unilateral ceasefire laban sa mga teroristang grupo.

Nauna rito, nagdeklara si Pangulong Duterte ng suspensyon ng combat operations mula
Disyembre 24 hanggang Enero 2 ng susunod na taon.

Tiniyak ni PNP Spokesperson Chief Supt. Dionardo Carlos na agad nilang ipaaaalam sa lahat ng field units ng PNP ang pagpapatupad ng unilateral ceasefire.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *