Pangulong Duterte, binasura ang apat na 4 probisyon ng 2018 Nat’l Budget

National News

IBINASURA ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng kanyang pag-veto sa
apat na probisyon sa 2018 General Appropriations Act.

Kabilang sa pinawalang-saysay ni Pangulong Duterte ang pagkakaroon ng monitoring
expenses
ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), pagbabawal
ng koleksyon sa pagpapanatili at pagbawi ng Philippine citizenship.

Kasama ring tinanggal ng pangulo ang probisyong nagpapahintulot sa Department of
Education (DepEd)
na gamitin nito ang nakalaang pondo para sa maintenance at iba
pang operational funds para sa capital outlay requirements.

Pinawalang-bisa rin ni Duterte ang probisyong nagpapahintulot sa Energy Regulatory
Commission (ERC)
na gamitin ang kikitain nito para tustusan o dagdagan ang operations
requirements
ng ERC.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *