Sundalo at 2 bata, sugatan dahil sa paputok

National News

SUGATAN ang isang Philippine Army Trooper at dalawang siyam na taong gulang dahil
sa pagpapaputok sa Cordillera Administrative Region (CAR).

Kinilala ang sundalo na si Private First Class Ian Canapang na nagtamo ng sugat sa
kamay matapos niyang sindihan ang pla-pla nitong Pasko.

Samantala, isinugod naman sa Kalinga Provincial Hospital ang batang si Ranier Lumpio
Gamongan dahil sa tinamong sugat sa kaliwang palad matapos masabogan ng paputok
na boga.

Nasabogan din ng ipinagbabawal na piccolo ang batang si Wilmer Ollier Elardo.

Nangunguna ang piccolo sa listahan sa mga pangunahing sanhi ng firework-related
injuries sa bansa na karaniwan sa mga nabibiktima nito ay mga bata.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *