PBA Rep. Nograles, aminadong nagkamali sa akusasyon vs. CHED chairman

National News


INAMIN
ni PBA Partylist Rep. Jericho Nograles na nagkamali siya sa akusasyon laban
kay Commission on Higher Education (CHED) Chairman Patricia Licuanan.

Ito‟y kaugnay sa umano‟y hindi otorisado ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga lakad
ni Licuanan sa ibang bansa.

Pero sa kabila aniya ng pahintulot ng pangulo, iginiit ni Nograles na nasa daang libong
piso pa rin ang nagastos ni Licuanan mula sa pondo ng pamahalaan.

Ayon kay Nograles, mabilis na nakakapaglabas ng pondo si Licuanan para magamit sa
pangingibang bansa, sa kabila ng kabila ng hindi pagre-release ng CHED ng allowance at
tuition support para sa mga iskolar.

Depensa ni Licuanan, na dokumentado lahat ng mga nasabing biyahe kasama ng iba
pang CHED official at pirmado ng pangulo.

Dahil dito, hindi umano madaling maipapatupad ang universal access to quality tertiary
education act
.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *