Oil tanker na nasusunog sa East-China Sea, possible nang sumabog; Mga crew ng barko, nawawala pa rin

NANGANGANIB na umanong sumabog ang nasusunog na oil tanker matapos sumalpok sa isa pang cargo ship sa East-China Sea.

Posibleng magresulta sa environmental disaster ang pagtagas ng langis na hindi pa mabatid ang lawak nito sa karagatan ng China.

Nabatid na halos tatlong araw na ang nakakaraan subalit patuloy pa rin ang pag-apoy ng tanker.

Aminado ang rescue team na nahihirapan silang magtungo sa nasabing bahagi ng karagatan dahil sa makapal na usok.

Sa ngayon ay nawawala pa rin ang nasa tatlumpung Iranians at dalawang Bangladeshi.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *