1,000 pasahero, pinababa sa MRT-3

Metro News

DALAWANG beses na nagkaaberya ang operasyon ng Metro Rail Transit (MRT-3) kahapon.

Alas-8:19 ng umaga nang pinababa ang nasa siyam na raang pasahero sa Shaw Boulevard Station Southbound dahil nagkaproblema ang pinto ng tren.

Habang alas-10:02 ng umaga nang pinababa rin ang mga pasahero sa Shaw Boulevard Station Northbound dahil sa problemang teknikal.

Pinasakay na lamang sa kasunod na tren ang mga apektadong pasahero.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *