US President Trump, sasailalim sa medical exam


HINDI kasama ang Psychiatric Evaluation sa nakatakdang medical exam ni US President Donald Trump ngayong linggo.

Ito ang kinumpirma ng White House kasunod ng mga katanungan hinggil sa mental fitness ni Trump.

Isasailalim sa medical examination ang 71 taong gulang na presidente sa Walter Reed Military Hospital sa Washington sa araw ng Sabado at agad nilang isasapubliko ang resulta nito.

Dahil sa serye ng pagbatikos sa kanyang mental health ay nag-tweet si Trump noong weekend at inilarawan nito ang kanyang sarili na henyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *