Lorenzana sa peace talks: ‘May pag-asa pa, pero di sa ngayon’

National News

KUMPIYANSA si Defense Secretary Delfin Lorenzana na magkakaroon pa ng peace talks
sa pagitan ng gobyerno at mga komunistang grupo.

Paliwanag ni Lorenzana, na sa ngayon ay wala pang plano ang pamahalaan sa
pakikipag-usap sa mga komunista matapos ideklarang terorista ang New People’s Army.

Kasunod ito ng makailang ulit na paglabag sa tigil putukan na makailang ulit na ring
ipinagkaloob ng pamahalaan sa NPA.

Sa ngayon, misyon ng militar na i-degrade ang kakayahan ng NPA upang hindi na sila
mga banta.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *