Pag-convene ng kongreso sa isyu ng CHA-CHA, idudulog ng Senate Minority Bloc sa SC

National News

IAAKYAT umano ng Senate Minority Bloc sa Korte Suprema ang usapin kung dapat o hindi dapat mag-convene ang kongreso kaugnay sa charter change (CHA-CHA).

Ayon kay Sen. Franklin Drilon, hindi papayag ang mga senador sa joint voting ng kongreso kung magiging Constituent Assembly (CON-ASS) ito sa pag-amyenda ng 1987
Constitution.

Binigyang diin ni Drilon na walang probisyon sa Saligang Batas na nagsasabing dapat mag-convene ang Kamara at Senado para sa CHA-CHA.

Giit ng senador na dapat magkahiwalay ang aksyon ng Kamara at Senado sa pagamyenda sa Saligang Batas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *