SSS, tiniyak na walang pagtataas sa contribution rate

WALANG naganap na pagtataas sa kontribusyon ng mga miyembro ng Social Security System ngayong Enero.

Ito ang tiniyak ni SSS Chairman Amado Valdez.

Sinabi ni Valdez na nananatili sa 11% ang kontribusyon ng kanilang mga miyembro.

Ayon kay Valdez, nakatuon sila ngayon sa mga makabuluhang benepisyo para sa mga miyembro at pensioner ng SSS.

Una nang sinabi noon ni Valdez na tinitingnan nila ang pagbenta ng ilang ari-arian ng ahensya para pondohan ang pagtaas sa pensyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *