Taas-babang singil ng Meralco, asahan ngayong buwan at sa Pebrero

MATAPYASAN man ang singil sa kuryente ng Meralco ngayong Enero dahil sa mas mababang generation charge, inaasahan namang aakyat ito sa kasunod na buwan dahil sa mas mataas na buwis.

Ayon sa tagapagsalita ng Meralco na si Joe Zaldarriaga, magpapatuloy pa ito
pagkatapos ng Pebrero dahil sa mataas na konsumo dahil sa tag-init.

Bababa ng 0.53 sentimo kada kilowatt-hour ang singil ngayong Enero dahil sa pagbaba sa generation charge o halaga ng kuryenteng binibili ng Meralco sa mga power producer.

Katumbas nito ang P105 na bawas sa buwanang singil sa isang bahay na may konsumong 200 kilowatt-hour.

Tataas naman ang singil sa Pebrero dahil epektibo na ang taas-buwis sa coal at dagdag Value Added Tax (VAT) sa transmission charge.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *