Malakanyang, umaasa na magiging ‘federal government’ ang Pilipinas bago matapos ang termino ng pangulo

National News

KUMPIYANSA ang Malakanyang na magiging federal government na ang pilipinas bago pa matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa taong 2022.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, prayoridad ng Administrasyong Duterte
ang pagbabago ng porma ng gobyerno.

Sinabi ni Roque na maaring isabay sa 2019 National Elections ang plebesito para maamyendahan ang konstitusyon.

Tiniyak naman ni House Speaker Pantaleon Alvarez na masisimulan ngayong taon ang pag-amyenda sa Saligang Batas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *