Pagdinig sa panukalang pag-amyenda sa Saligang Batas, itutuloy

National News

IPAGPAPATULOY ng Senado ang pagdinig sa mga panukalang amyendahan ang 1987 Constitution sa Enero 17.

Ayon kay Senador Francis Pangilinan, chairman ng Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes, tatlong panukala ang kanilang tatalakayin.

Sinabi ni Pangilinan na kasama sa kanilang dedeterminahin ay kung kailangang amyendahan ang konstitusyon, anong mga bahagi na dapat rebisahin at bakit, at kung isasagawa ang mga pagbabago sa pamamagitan ng Constituent Assembly (Con-Ass) ng Kongreso o elected delegates sa Constitutional Convention (Con-Con).

Kabilang sa inaasahang dadalo sa pagdinig ang mga eksperto sa konstitusyon, mga miyembro ng academe, business sector, labor, civil society at iba pang stakeholders.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *