Pag-uusap nina Pangulong Duterte at Joma Sison, ‘welcome’ kay Esperon

National News

SANGAYON si National Security Adviser General Hermogenes Esperon na mag-usa sina Pangulong Rodrigo Duterte at Communist Party of the Philippines (CPP) Leader Joma Sison.

Sinabi ni Esperon na nais ng pangulo na makipagtalakayan kay Sison upang magkaroon na ng katahimikan laban sa mga rebeldeng New People’s Army.

Pero giniit ni Esperon na dapat dito sa Pilipinas gawin ang pagpupulong.

Una nang lumabas sa mga pahayagan na kung sakaling matuloy ang pag-uusap nina Duterte at Sison ay gagawin ito sa labas ng bansa.

Welcome naman umano kay Sison ang nais ng pangulo na makapag-usap sila ng personal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *