Publiko, lugi sa panukalang ‘NO-El’ scenario—oposisyon

National News

MGA pulitiko lamang umano ang makikinabang sa panukalang “NO-El” scenario na pinalulutang ng mga pulitikong nagsusulong ng federalismo sa bansa.

Ayon sa Magnificent 7 sa Kamara, lugi ang taong bayan kung matutuloy ang NO-El dahil mangingibababaw na naman ang political agenda ng mga pulitiko.

Binigyang diin ni Magdalo Partylist Representative Gary Alejano na hindi makatarungan nag NO-El dahil term extension ang kaakibat nito na labag sa Saligang Batas.

Sinabi naman ni Ifugao Representative Teddy Baguilat, malinaw na self serving ang motibo ng mga pulitikong nagsusulong ng NO-El scenario.

Para naman kay Akbayan Partylist Representative Tom Villarin, hindi na dapat pakialaman ng Kongreso ang pagdaraos ng regular na eleksyon dahil karapatan daw ng mga pilipino ang bumoto ayon sa itinatakda ng konstitusyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *