Unli-term ng mga mambabatas sa ‘federal’ system, iminungkahi sa kamara

National News


IMINUNGKAHI ng ilang mga mambabatas na gawing unlimited ang termino ng mga kongresistang bubuo sa federal assembly.

Sa pagdinig para sa pag-amyenda sa Saligang Batas tungo sa federalismo.

inirekomenda ni ako Bicol Rep. Rodel Batocabe na gawing limang taon ang
panunungkulan ng mga myembro ng federal assembly at wala ding limit ang mga ito sa re-election.

Ayon kay Batocabe, mawawala na sa ilalim ng federal assembly ang mga kinatatakutan sa ilalim ng kasalukuyang sistema gaya ng pagkakaroon ng kontrol sa lupon ng mga dinastiya, parochial concerns at iba pa.

Mawawalan na rin ng impluwensya ang mga kongresista sa ilalim ng mga malalaking kagawaran dahil direkta na ito sa federal states.

Kung maaaprubahan, magiging 300 na ang mga Kongresita habang 39 naman ang mga Senador kung saan 24 sa national at 3 senador naman sa bawat estado.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *