Mga bakwit sa Albay, umabot na sa 34,000-NDRRMC

National News

LUMOBO pa ang bilang ng mga inilikas sa Albay dahil sa pag-aalboroto ng Bulkang Mayon.

Ayon kay Romina Marasigan, tagapagsalita ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), mahigit 8,000 pamilya o lampas sa 34,000 indibidwal ang nasa mga evacuation centers.

Sinabi ni Marasigan na ginagawa nila ang lahat ng paraan sakaling tumagal pa ang pagaalboroto ng Mayon.

Patuloy ding nakikipag-ugnayan ang NDRRMC sa mga pamahalaang lokal at Department of Social Welfare And Development (DSWD) para matiyak ang relief supplies at stand-by funds para sa mga bakwit

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *