1.9-M gastos sa hotel, dinepensahan ng kampo ni CJ Sereno

DUMEPENSA ang kampo ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa
umano’y P1.9-million gastos sa hotel accommodation sa ASEAN conference.

Ayon sa spokesperson ni Sereno na si Attorney Josalee Deinla, marapat patunayan ng
mga nag-aakusa sa punong mahistrado kung hindi dumaan sa proseso ang naturang
hotel bidding.

Giit pa ng kampo ni Sereno, nararapat lamang ang piniling lugar upang tugunan ang
seguridad ng sampung ASEAN judiciary leaders.

Una nang sinabi ng finance officer ng Korte Suprema na hindi dumaan sa bidding
process ang three-day stay ni Sereno sa Shangri-La Hotel sa Boracay noong taong 2015.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *