Mga apektado ng pag-aalburuto ng Mt. Mayon, tutulungan ng pamahalaan

National News

NAKAHANDA ang Malakanyang at iba pang ahensya ng gobyerno na tumulong sa mga
apektadong residente sa pagputok ng Bulkang Mayon sa Albay.

Sa isang press briefing sa lalawigan ng Albay, sinabi ni Presidential Spokesman Harry
Roque na nakahanda si Pangulong Rodrigo Duterte at ang mga ahensya ng gobyerno na
magbigay ng tulong sa mga ito.

Una rito, naglabas na ng P6-million ang Department of Social Welfare and Development
(DSWD) at may kasunod pa umano itong P12-million karagdagang tulong.

Sinagot na rin ng Department of Health (DOH) ang toilet facilities ng mga evacuees.

Dagdag pa ni Roque na naka-standby din ang quick response fund ng bawat ahensiya
sakaling mangailangan pa ng dagdag na pondo para sa mga evacuees.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *