Nagbitiw na CHED Chairwoman Licuanan, dawit sa anomalya sa CDO

National News

NADADAWIT ngayon si Dating Commission on Higher Education (CHED) Chairwoman Dr.
Patricia Licuanan sa umano’y ilegal na mga gawain ni Dating University of Science and
Technology of Southern Philippines President Dr. Ricardo Rotoras sa Cagayan De Oro
City.

Nabatid na kahit convicted na umano si Rotoras sa kasong administratibo noong 2011,
ay itinalaga pa ito ni Licuanan at ng Board of Regents bilang presidente ng USTP.

Ayon kay Engr. Selwyn Lao, presidente ng Wing-An Construction and Development
Corporation, malinaw na paglabag ito sa Graft and Corrupt Practices Act ng Republic Act
3019.

Dismayado umano si Lao kay Licuanan dahil sa umano’y panghihingi nito ng porsyento
sa ginagawang student center ng USTP noong taong 2016.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *