Sen. Lacson, iginiit na dapat magpulong ang dalawang kapulungan ng kongreso para sa CHA-CHA

National News

 

IGINIIT ni Senador Panfilo Lacson na dapat ay makipagpulong ang mga lider
ng Kamara sa mga lider ng Senado para talakayin ang C
harter Change (CHA-CHA).

Ayon kay Lacson, panahon na upang mag-usap sina Senate President Koko
Pimentel at House Speaker Pantaleon Alvarez kasama ang dalawang majority leaders at dalawang minority leaders ng dalawang kapulungan.

Ito ay upang mapag-usapan umano ang magiging mode ng pag-amiyenda
sa 1987 Constitution.

Tiniyak ni Lacson na tututulan ng senado kung sakaling igiit ng Kamara na
gawing jointly ang Constituent Assembly (CON-ASS) sa pag-amiyenda ng
Saligang Batas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *