19 consultants na rerepaso sa Saligang Batas, itinalaga na ni Pangulong Duterte

National News

ITINALAGA na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang labing siyam na miyembro ng consultative committee na magre-review sa 1987 constitution.

Kabilang sa mga miyembro sina Dating Chief Justice Reynato Puno bilang chairman ng komite.

Kasama sa mga miyembro sina Dating Supreme Court (SC) Associate Justices Bienvenido Reyes, Antonio Nachura at Dating Sen.

Aquilino “Nene” Pimentel Jr. Ang appointment papers ay nilagdaan ng pangulo nitong Enero 24 bago umalis patungong India.

Binigyan ang komite ng anim na buwan para magsumite ng rekomendasyon kay Pangulong Duterte para sa mga probisyon ng konstitusyong kinakailangang amyendahan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *