Pangulong Duterte, bibisita sa mga apektado ng Bulkang Mayon

National News

BIBISITAHIN ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong linggo ang mga naapektuhan ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon sa Albay.

Ito ang tiniyak ni Presidential Spokesman Harry Roque sa isang press briefing sa Iloilo City.

Sinabi ni Roque na magpapahinga lang ng ilang araw ang pangulo dahil sinipon daw ito matapos dumalo sa ASEAN-India Commemorative Summit.

Sa ngayon ay patuloy na mino-monitor ng Malakanyang ang kalagayan ng mga
evacuees sa Albay.

Ayon sa NDRRMC, umaabot na sa 101,055 ang mga lumikas sa mga evacuation centers dahil sa pagsabog ng bulkan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *