Justice Reyes, pinagsabihan umano ni CJ Sereno dahil sa pag-courtesy call kay Pang. Duterte

National News

INAMIN ni Supreme Court Associate Justice Andres Reyes na pinagsabihan siya ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ito ay matapos mag-courtesy call umano siya kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Malakanyang.

Sinabi ni Reyes na napagsabihan siya ni Sereno dahil nakakainsulto raw para sa Korte Suprema ang laman ng kaniyang liham sa pangulo.

Ayon kay Reyes, naglalaman ang kaniyang liham ng mga problema ng Supreme Court kay Pangulong Duterte.

Katwiran umano ni Sereno na tila na-by-pass ni Reyes ang tanggapan nito kung kaya’t dapat hindi niya itinuloy ang courtesy call sa Malakanyang.

Dahil dito, sinabi ni Reyes na binantaan siya ni Sereno na ang kaniyang naging hakbang ang siyang magiging mitsa nang pagwawakas ng kaniyang karera.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *