Mga Mahistrado, may karapatang bumili ng mamahaling sasakyan – Associate Justice Del Castillo

National News

EXEMPTED si Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa kautusan na nagbabawal na bumili ng mamahaling sasakyan.

Ito ang sinabi ni Associate Justice Mariano Del Castillo sa pagdinig ng House Committee on Justice sa impeachment complaint ni Sereno.

Tinukoy ni Del Castillo ang Administrative Order No. 233 na inilabas ng Department of Budget And Management (DBM) noong 2008 kung saan nakasaad din na exempted ang limang matataas na opisyal ng pamahalaan sa pagbabawal na bumili ng
mamahaling sasakyan.

Gayunman, sinabi ng associate justice na hindi ito inavail ng mga nakaraang punong mahistrado.

Sumentro sa pagdinig ang alegasyon na gumamit ng pondo ng bayan si Sereno sa pagbili ng brand-new Toyota Land Cruiser na nagkakahalaga ng mahigit P5-million.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *