Oplan Tokhang ng PNP, umarangkada na

National News

UMARANGKADA na sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila at mga probinsya ang muling pagpapatupad ng Oplan Tokhang ng Philippine National Police (PNP).

8:00 ng umaga nang bigyan ng briefing ang mga pulis tokhangers sa bawat police station para muling ipaaalala ang bagong guidelines ng PNP.

Kinatok at pinakiusapan ang mga hinihinalang mga drug suspect kung saan ilan sa mga ito ang aminadong gumagamit at handang magpa-rehab.

Sumama rin sa unang araw ng kampanya ang ilang opisyal ng lokal na pamahalaan, media at human rights advocates.

Sa bagong guidelines ng PNP, mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon tuwing Lunes hanggang Biyernes lamang ang Oplan Tokhang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *