Deputy Ombudsman Carandang, pinasasagot sa suspension order ng Malakanyang

National News

BINIGYAN ng sampung araw si Overall Deputy Ombudsman Melchor Arthur Carandang para sagutin ang suspension order na ipinataw ng Office of the President.

Nilinaw ni Presidential Spokesman Harry Roque na hindi pa epektibo ang resolution and order ng Malakanyang kung saan sinususpinde si Carandang ng siyamnapung araw.

Ginawa ito ng Malakanyang kasunod ng pagkontra ni Ombudsman Conchita Carpio Morales na hindi niya ipatutupad ang desisyon ng tanggapan ng pangulo dahil labag umano ito sa Saligang Batas.

Pero ayon kay Roque, magpapasya ang Office of the President matapos ang ibinigay na sampung araw na palugit kay Carandang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *