Kiray,umaming mayroong non-showbiz na nobyo

Showbiz

KINUMPIRMA ng comedian actress na si Kiray Celis na matagal na silang hiwalay ng kaniyang rumored boyfriend na si Kirst Viray at may bago ng nagpapasaya sa buhay niya ngayon.

Idinetayle ng komedyante na isang 21-year-old business man at may height na 5’11 ang kaniyang boyfriend ngayon.

Say pa ng aktres, masayang masaya siya ngayon sa relasyon nila ng kaniyang nonshowbiz boyfriend ngayon at going stong ang kanilang five-month relationship.

Nilinaw naman niya na maayos ang relasyon nila ni Kirst at nagpapasalamat din sila sa isa’t isa dahil simula noong napag-usapan sila ay mas dumami ang mga projects nila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *