Smuggled luxury cars sa BOC, ipapa-bulldozer ni Pang. Duterte

National News

IPADUDUROG ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng bulldozer ang mga smuggled cars na nakumpiska ng Bureau of Customs sa darating na Martes.

Ito ay upang hindi na umano pakinabangan ng mga smugglers kapag nagkaroon ng auction sa mga mamahaling sasakyan.

Wala pang kumpirmasyon si Pangulong Duterte kung sasaksihan niya ang pagsira sa mga nakumpiskang sasakyan.

Ayon sa Malakanyang, patunay lamang aniya ito na seryoso ang pamahalaan sa paglaban sa smuggling lalo na sa katiwalian.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *