7 katao, patay sa Magnitude 6.4 na lindol sa Taiwan

UMAKYAT na sa 7 katao ang kumpirmadong nasawi habang mahigit 200 naman ang nasaktan matapos yanigin ng magnitude 6.4 na lindol ang Taiwan.

Ayon sa tala ng otoridad, 145 katao pa rin ang nawawala sa mga gumuhong gusali.

Naitala ang sentro ng lindol malapit sa Hualien City ayon sa US Geological Survey (USGS).

Patuloy pa rin ang retrieval operations sa iba pang na-trap na sibilyan. Samantala, isang Pinay ang nasugatan na kinilalang si Melody Albano.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *